random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Wednesday, October 26, 2005

Batibot Generation

Habang nag t-trip ako na nag ta-time travel habang nasa fx papasok ng opisina, di ko maiwasan na marinig yung isang ale na tinanong yung katabi nya ng eternal question na "ano na ba nangyayari sa mga kabataan ngayon?" dumilat ako, pag kita ko may mga batang cool na cool na nag rurugby, almusal cguro...Naisip ko tuloy ano na nga ba nangyayari sa kabataan ngayon? bumababa muna ko sa time machine sa utak ko at inisip....at inisip...OO nga no? ang dami nang hip-hop na bata, malaki na talaga problema ng kabataan.

Biglang pumasok sa isip ko batibot lang naman pinagkaiba nung generation noon at ngayon. Mas ok yung mga bata noon kasi pag nagkwento na si kuya bodjie yari na yung mga bata unahan na sa harap ng tv, tapos ang kwentuhan syempre tungkol sa batibot, sitsiritsit alibang bang, ngayon bang bang alley na sa cubao ang kwentuhan ng kabataan, marami na talagang naiba...Pero kung may batibot pa din ngayon siguro uso pa din kahit sa manila yung baka na may dalang mga handicrafts kasi alagang-alaga pa din si puti, ang bakang mataba, bakang maputi, may naglalaro pa rin cguro ng kadang-kadang o yung kawayan tapos dun ka tutungtong para maglakad...ngayon kasi ang model ng mga bata e c tolits na, yung bata sa tide na hindi na nakausap ng matino pag tinatanong ng titser o kahit principal, puro pambara yung sagot nya, ang dami pang reklamo...batibot talaga,, batibot ang sagot sa behavioral problem ng kabataan ngayon.

Pero siguro malaki din yung ginampanan nating role kung bakit tinanggal yung batibot kasi kung anu-anong tsismis ang pinag gagawa natin gamit ang madumi nating utak kaya pinatanggal siguro sa tv yung batibot, andyan na yung relasyon nila kuya bodjie at ate siena, adik c kuya ching, relasyon ni kiko matching at ate sienna, bading c pong pagong weee! at kung anu-ano pang mga bastos na salita na dinudugtong natin sa mga sinasabi nung sitsiritsit alibang-bang... Pero cguro talagang tinanggal na lang kasi dalaga na sina ging o baka nga may anak yun.

Pero kahit ano pa ang sabihin nila malaki ang ginagampanan ng batibot. Kaya sa ikauunlad ng bayan BATIBOT ang kailangan!

Dali! sundan natin ang ngiti ng araw!