random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Monday, May 23, 2005

Ulam, Miami Heat, at Buhay

Kanina umorder ako ng "beef pastel" dun sa menu na dinala ng canteen dito sa opisina (tamad kasi kami pumunta ng canteen kaya dinadalhan na lang kami). Natawa ko kasi pag kita ko nung ulam nung lunch na e, "pastel color" nga yung ulam ko, hehehehe, naalala ko beef pastel nga pala in-order ko.

Sabi nila nakakatwa daw yung mga nakasulat dito sa blogs ko, andami daw katawatawa na nangyayari sa buhay ko. HINDI no! actually minsan wala talaga ko intention na magpatawa pero pag binsa ko yung gawa ko nakakatawa nga. Dahil dun, malungkot naman susulat ko.......

Dear ate charo......
Isa akong empleyado na masipag pero walang magawa dito sa opisina....Maaga ko pumasok kanina kasi 8:00am yung laban ng miami heat at detroit pistons at dito ko sa opisina manunuod ng laro habang nagpapanggap na nagtatrabaho.....Malungkot isipin na natalo yung miami, yun kasi ang gusto kong team ngayon, hindi ako makakain ng lunch, bukod sa masama loob ko e, pastel color pa yung ulam ko, di ko maubos maisip na baka baklang baka yung kinakain ko.....masakit kasi nagugutom pa naman ako....malungkot kasi kailangan pang may mawalang buhay para lang makakain ako....naisip ko pano yung game 2 pag natalo yung heat sa game 2 baka yun na katapusan ng quest nila para sa NBA title.....inabot ako ng ala-una kakatitig sa pagkain ko at kakaisip ng kinabukasan ko na unti-uniting nababalot ng dilim at kawalan ng pag-asa....buti na lang pumasok yung guwardya sa pantry at nakangiting sumayaw sa saliw ng tugtug na "choopeta" ng sexbomb girls na maririnig sa dala nyang portable radio.....bigla akong nabuhayan ng loob at buong gana kong nilantakan ang makulay kong pagkain...naisip ko yung kanta ng sexbomb na hindi maintindihan (lyrics) ay pinagmumulan ng kasiyahan ng karamihan, ganun din pala yung buhay, hindi mo maintindihan pero masaya, yun pala nagpapasaya dun (teka malungkot na istorya di ba? bakit may masaya?). Anyway bumalik ako sa kalungkutan nun nalaman ko na pork pastel at hindi beef pastel yung ulam ko.

Note:
FACT: lahat ng blogs ko ay sa opisina ko isinusulat

FICTION:
Kung ka-opisina kita at nabasa mo to, hindi totoo na wala akong ginagawa (wag ka maingay a?), kung hindi kita ka-opisina totoo lahat ng nabasa mo.

Author's note:

kung first time mo mapadpad dito please read yung mga nasa archives (mas maayos yung mga naunang blogs, lalo na yung pinakauna)

kung lagi ka dito at sawa ka na sa kagaguhan ko, o lagi ka nag tse-tsek at walang bagong blogs punta ka muna sa: http://thelauster.blogspot.com (barkada ko yan, sira din ulo nyan)