random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Wednesday, February 02, 2005

Tagalog naman...

Ok, recently there were numerous bills and laws that were made and passed that i personally, or majority of the people thinks as or obviously stupid!

Teka tagalog nga pala...ehem!

Hindi ko na iisa-isahin kung ano-ano yun, alam nyo na yung mga yun. Naiisip ko tuloy kaya tayo nagkakaroon ng mga ganung kagagong batas dahil na din siguro sa kagaguhan natin (o kakulitan para di naman masyado masakit sa puso ng mga gago na tinatamaan.) Gaano naman kakulit yung maiisip nilang paraan ng pagtaboy ng tao sa gilid ng kalsada e isang higanteng puting kumot na basa na umaandar na parang malaking "casper" para lang lumagay ka sa ayos sa daan? Napakakulit nun men! Para kang langaw na tinataboy sa pamamagitan ng pagbugaw sayo hehehehe, kaya lang langaw ka nga kaya syempre babalik ka!

Teka ang haba na ng intro ko....e2, may naisip akong solusyon sa problema sa krimen, kung papaano makakatipid ang gobyerno sa paggawa at pag-pasa ng batas, pati kung paano na din papaiksiin ang 10-years na pag-aaral ng mga abogado...

Simple lang, dapat isa na lang ang kaparusahan para sa lahat ng krimen, maliit man o malaki basta hindi ayon sa batas na ginawa nila dapat BITAYIN! Isa na lang...bitay! bitay sa lahat! Pag nag-jaywalk ka dapat bitayin ka sa kalsada, maglagay yung mga MMDA ng mga poste at dun ka isampay, ganun din pag nahuli kang nagnakaw, bitay, pag di ka nagbayad sa dyip (kahit nakalimutan mo lang), bitay,bus driver, bitay! (basta yung mga kumakat sa edsa at barubal mag-drive), nangidnap, nagnakaw, etc.... basta kahit ano bitay! At least makakatulong pa ito para mabawasan yung dumadami nating populasyon, makakamtan pa natin yung STRONG REPUBLIC!.....Pero dapat bata pa lang tinutuwid na para di na dumami yung mabibitay...... sa school, pag nahuli kang nangopya dapat bitayin sa loob ng classroom, pag nakikipagdaldalan ka, bitay ka! Imbes na noisy yung nililista ng clas president nyo pag wala yung titser, death list na lang, para pag dating ng titser nyo, madami kayong bibitayin hehehe. Sa opisina bitay din pag na late ka, para tuluyan ka nang matawag na THE LATE juan dela cruz.... Pero teka, paano yung mga napagbintangan lang? dito ngayon papasok yung mga abogado...pero iba na, di na nila kailangan mag-aral ng mga kung ano anong latin na sila lang nakakaintindi, pag nilitis ka, ang choice mo lang o ng abogado mo e yung type ng kamatayan mo, di na mahirap cguro mamili ilan lang yan, bitay, firing squad, bagsakan ng bato sa ulo, kuryentehin, pakain sa pating etc....
Kaya sa susunod pag may nakita kang makulit sa daan, o kahit saan bitayin mo na!