random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Thursday, March 17, 2005

My lucky numbers

tumigil na ko sa pag taya ng lotto kasi feeling ko di ako mananalo, sabi kasi nung barkada ko sabi daw ng prof nya, mas mataas pa daw yung statistics na tamaan ka ng kidlat kesa tumama ka sa lotto, 1 is to ewan ko kung ilang milyon yun. Syempre naniwala ako kasi bobo naman ako sa math e. Pero ayos sana yun, yun ang pinakamagandang sugal, pustahan kayo ng barkada mo kung sinong unang tatamaan ng kidalt sa inyong dalawa, tapos may "pot" money, araw araw naghuhulog kayo ng sampung-piso, kung sinong unang tamaan talo, kanya lahat yung pera! Palakasan na lang kay lord laban dyan, malamang isasama nyo sa dasal nyo bago matulog yung kataga na "lord, sana tamaan na ng kidlat si juan bukas, o kaya kahit ngayon na habang natutulog sya. please? di nyo naman sya papatayin e, papatamaan lang ng ilang daang libong boltahe ng kuryente, ano ba naman yun, sige na magpapakabait na ko patamaan nyo lang sya ng kidlat, one time lang! ha?
Pero kung gusto nyo pa din tumaya ng lotto, bibigay ko na lang sa inyo yung inaalagaan ko na number baka sakaling kayo yung swetehin, eto na: 1-2-3-4-5-6
gud luck!