random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Monday, April 18, 2005

Conclave, Convlex

Semi circle, dinagdagan lang ng "l" bakit kaya?
(Refering to convex and concave)

Inimbitahan ako sa vatican bilang special guest at observer sa ginaganap na conclave o pagpili ng pinaka papabol sa lahat para maging papa ng mga papa. Kaya lang sabi ko wala kong time, bc kasi ko e, tsaka hindi ako mag-aaksaya ng panahon para pumili ng papa no? ano ko bading? Sabi ko si paolo bedionez na lang o c mike enriquez and gambalain nila.

Ano nga ba ang batayan para maging papa ng mga papa? Meron ba silang "good boy meter" para malaman kung mabait ka talaga?

Sa tingin ko dapat imbitado yung sexbomb sa pagpili ng papa, kasi mulat sapul sila yung talagang concern sa papa kahit wala pa itong sakit, natatandaan nyo pa yung kanta nilang "bakit papa?", "amoy ng papa" at madami pang iba. Pati amoy ng papa concerned sila, tinatanong pa nila lagi ito kung may sakit ba.

May mga nag-tatanong ng reaction ko sa pagkamatay ni Pope John Paul II, sa totoo lang, wala, sa bait ba naman nun syempre diretsong langit yun. Parang nung namatay si princess diana, ganun lang, wala kong naramdaman, sa totoo lang di naman kami close (pero bati kami, bati tayo papa a?) parang wala kong nararamdamamng attatchment sa kanya o sa sumblero nya na nakadisplay sa quiapo. Si mike enriquez lang ata ang baliw na baliw at ginagawang circus yung pagkamatay ng lider ng isang malaking organisasyon. Parang ganito lang yan, nasiraan ka ng radyo, di ka nakakapakinig ng music, pero hindi ibig sabihin nun e pati yung mga radio stations tumigil kasi sira yung radyo mo at di ka makikinig, the music still plays on, wala ka nga lang instrumento para marinig yun. The music did not die so there's nothing to be sad about.


**Please read the archives**
Feeling ko nagdedetoriate na yung isip ko dahil sa nilalagyan ng secret organization ng lason yung mga kinakain ko kaya pa pangit ng papangit yung mga naisusulat ko.

2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

tol, pag ayaw ni paolo b at mike e, aku na lang...baka kc may financial assistance ang mga gnyan...yaman naman kc ng vatican...makasawsaw man lang sa kadatungan ng mga papang yan ;p
..|..gaddie..|..

2:31 AM

 
Anonymous Anonymous said...

hekhekhek!!!!
ayan kc si mike enriquez lagi pinagtitripan mo.... ipaiimbestigador kita....
...(w/ mike's way of talking)
isaa diumanooong empleyaado ng tuuuut, alang ginawa sa opiiiis kung hindiii ang maginterneet, binabayaraaan po umano ng pamahalaaaan ang nasabing empleyado nang walang nagagawa para sa kompanyaaaaa...
tinatawagan ng pansin ang kagawaran... apeman, mag-drugs ka na lang!!! jo_pader

9:12 PM

 

Post a Comment

<< Home