Wag matakot!
Ok, dinagdag ko yung "haloscan" to encourage you pipol to make your comments here, para di na ko ini-email for the comments...tsaka mas masaya at least alam ko kung may nagbabasa nga ba ng mga kalokohan ko.....wag matakot, kahit di nyo sagutan yung "e-mail" at "url" ay gagana pa din yan haloscan hahahaha! at dahil din dun e nilagyan ko na ng web counter....
wala akong maisulat, kaya idedescribe ko na lang yung kaharap ko na kape at supot na pinag lagyan ng "egg bread"....ting! may umilaw na bumbilya sa ulo ko...ting! ayun "egg bread!" let's ponder!
kaninang umaga habang naglalakad papuntang divisoria,napadaan ako sa bakery, actually di naman talaga ko nagugutom, napabili lang ako bigla ng tinapay kasi nakita ko yung pangalan nung isang product nila e "egg bread"....napaisip ako, ano kaya yun? pagkain ng itlog? ano kaya piling ng itlog pag kumakain, tsaka saan sya kumakain? astig, gumawa sila ng tinapay para sa mga itlog!.....sa madaling sabi e nagtrip ako na itlog ako kaya bumili ako....nagulat lang ako kasi nung kinakain ko na, may lamang itlog sa loob!!! grabe natakot ako, kasi ibig sabihin kinakain ko yung kapwa ko (kasi itlog nga ako remember?) naalarma tuloy ako.....ibig sabihin isang malaking secret organization yung bakery na yun! nagpapanggap silang mabait sa mga itlog (dahil gumawa sila ng egg bread)pero ang 22o ay pinagsasamantalahan nila ito! (parang amerika at pinas!)..... kaya kung may mga kakilala kayong itlog, pakisabi na wag silang bumili ng egg bread kasi, para silang mga egnibal ('egnibal' ay isang noun na ang ibig sabihin ay itlog na kumakain ng kapwa itlog)nun! wag magpaloko, imulat ang mata, lumabas sa shell, makibaka! wag matakot!
note:
(yung 'baka' kung cow o beef ang iniisip mo e nagkakamali ka!)