random stories and thoughts from a world renouned scholar......Ever felt like being a nonsense makes sense? well read, question, react and feel revived!

Monday, September 26, 2005

S

Last week for the first time in my conscious life, sumama ko sa isang anghel at dinala ko sa sabungan, ayoko na idescribe kung ano yung paligid, pumunta na lang din kayo, para at least may preview na kayo kung paano buhay sa impyerno hehehehe

Naisip ko para kong nasa ghost fighter o kung ano mang anime na nagpapatayan yung mga tao o halimaw tapos tuwang tuwa yung mga expectator, actually tuwang tuwa din ako, minsan nga lang nakakaawa din yung mga manok, yung tipong duguan na e, lumalaban pa din kahit alam mong useless na para lumaban.

Naisip ko ulit paano kaya kung magkabaliktad, yung mga manok nilagyan ng tari yung tao tapos sila nagpapatayan habang nagpupustahan at tumitilaok yung mga manok, kawawa naman cguro yung mga tao.

Naisip ko na naman, dapat cguro yung mga bull o torro na lang yung pinaglalaban, as in toro laban sa toro hindi yung toro laban sa tao tapos yung tao tumatakbo lang, parang nambabadtrip lang ng toro habang may hawak na pulang tela, toro talaga laban sa toro, tapos suntukan yung 2 toro na naka gloves sa loob ng boxing arena (bawal na bawal mang head butt dahil sa nature ng ulo nila na may antena) yun cguro mas masarap pagpustahan at panoorin kasi matagal tagal yung dasal na gagawin mo (sa sabong kasi minuto lang yayaman ka o maghihirap ka na)....O kaya, paru-paro, yung paru-paro lagyan ng tari tapos magpatayan sila, matagal tagal nga lang cguro yun pero nakaaliw cguro manuod nun sa isang paradise na puno ng bulaklak at eternal sunshine sa saliw ng tunog ng mga huni ng ibon ay may mga paru-paro na nagpapatayan.

OO nga pala, sabi nung barkada ko kaya daw "S" yung nakalagay sa damit ni superman kasi wala na daw large. pansinin nyo fit at bitin yung damit ni superman.

4 Comments:

Blogger Cutie said...

hahaha praning! ;)

1:45 AM

 
Blogger lautzu said...

dre, may tanong ako. bakit yung manok ni san pedro kahit walang tari nananalo sa sabong? ano yun binubugbog lang nya yung mga kalaban tas namamatay na?? saka nakakita ka ba ng bibe sa sabungan?? paki sagot asap!

5:32 AM

 
Anonymous Anonymous said...

lau,

kung nakikipagdigmaan nga yung manok ni san pedro palagi yun nananalo kasi malapit sa diyos, kung sa palakasan lang sa "taas" malakas si chikie (yan na lang tawag natin sa manok ni san pedro) kasi yung security guard sa langit ang nag-aalaga sa kanya. Kaya sya nananalo kasi natatakot yung mga kalaban nya na baka gawin silang palaka ng diyos kapag tinalo nila si chickie kasi nga sabi nila lagi namang nananalo yung kabutihan sa kasamaan, dahil nga holy si chickie, lahat ng kalaban nya ay masama kasi mortal yung handler nila kaya yun

Oo pare nakakita ko ng bibe sa sabungan, isang bibe boy at bibe girl karga nung nanay nila kasi yun ata ang kabuhayan ng pamilya kaya nag full time na sila dun

8:01 PM

 
Anonymous Anonymous said...

un pala dahilan behind superman's "S" hay............
-gaddie-

2:43 AM

 

Post a Comment

<< Home