Hastia La Victoria Siempre!
January 3, 2005 nung una kong nagpost dito, 1000+ na hits ang naregister sa hit counter ko, maraming nainis, natuwa, na "stak-up", naiyak, nag-antay, nag tanong, naliwanagan, naguluhan.
Lampas na pala ang isang taon, parang kailan lang bata pa si maricel soriano at lalake pa si jovit moya. Pero ganun talaga, parang uwian, pag inaantay mo ang tagal pag nagtrabaho ka naman ang bilis. Ang gulo talaga at lalo pang gumugulo pag iniisip mo kaya dapat siguro wag na tayo mag-isip, 'let the senses fend for themselves' kaya lang it will defy the logic of reason that is what they say exclusive and essential to all humans and erectus as they say in the primitive years. Kita mo sabi sayo magulo, umpisa pa lang yan, ayoko na dagdagan baka humaba pa at maging komplikado lalo yung simpleng pagpansin at pagsulat ko tungkol sa isang taon ng kalokohan ko dito sa blogger.
Ilang post din yung nagawa ko, ilang comment din yung binigay nyo, pero may nabago ba? ang sagot ay nasa inyo, dahil wala akong balak baguhin kayo kundi gambalain lang yung utak nyo. Walang kakwenta kwenta daw yung mga nakasulat dito, pero, may nag aantay at nagtatanong pa din kung kelan ulit ako magpopost, sabi na e, mahilig pa din yung mga tao sa mga walang kwentang bagay, tulad ng pera ; )
Yung iktlong post ko may magkaibang amerikano na nakabasa ng blog ko at nagcomment pa, nka-email ko pa kasi yung gf daw nung isa ay pinay kaya alam nya yung divisoria at ilaya na binanggit ko dun sa post ko. May idea pa sila nun na i-animate yung unang post ko at i-post sa ibang website. Kaya mula nun, kadalasan tagalog na yung post ko para di nila maintindihan hehehehe hindi pa kasi ko ready sa international exposure (kapal!)
"Questions are more important than answers, because an answer will only lead to another question"
0 Comments:
Post a Comment
<< Home